MY BIRTHDAY 2022
Heto na naman ang December, birthday ko na ulit. As usual, out of town.
Cy suggested na mag overnight camping kami at Edna's Beach and Campsite in Calatagan, Batangas since may bago na ulit kaming tent at nadagdagan na ung mga gamit namin.
We paid a total of 1,300 pesos, check-in at 02:00 PM, check-out at 12 Noon.
We like it here sa Edna's kasi malinis ang buong campsite, madaming CR, may shower areas, may bilihan ng mga goods at safe for campers. They even remind the guests na bawal na mag-ingay beyond 11 PM.
![]() |
sunset in Calatagan |
Mas na-appreciate ko na ung camping ngayon kaya gusto ko na syang gawin at least once a month? Hehe. Pero bago un may mga ibang items pa na kelangan naming bilhin para mas komportable kami.
![]() |
dinner by the beach |
For dinner, we prepared chicken adobo, fried liempo, fried talong and salted egg salad. Bumili din kami ng Red Moscato and ice cream.
After dinner naglaro ako ng solitaire tapos si Cy naman nasa fone while drinking wine.
Around 12 midnight na kami nakatulog.
![]() |
Good morning! |
The next morning bumangon ako ng 6 AM, nag timpla ng kape then nagluto na ng almusal. Nag prito ako ng Spam, made scrambled eggs at ginamit ung leftover na kanin at liempo for fried rice.
Bago mag breakfast nag blow na akong kandila sa sliced cake kasi birthday ko na!
Anyways, before noon nakauwi na kami ng bahay. Kinagabihan nag dinner kami ni Cy sa labas.
![]() |
me and Cy |
Thank you, Lord, for another year and thank you to my husband for all the love. Salamat din sa lahat ng mga nakaalala at bumati sakin especially kay Mama, Papa, Yen, Martin, Ina & Mars. :)
Yun lang! :)
Comments
Post a Comment