PAILAW SA BAYAN NG TAAL + BOODLE FIGHT AT DON JUAN

The pre-pandemic crowd is back! After namin mag Christmas shopping nagpunta naman kami sa Bayan ng Taal para makita ung mga pailaw doon. Buti nalang may energy pa si Cy na mag motor for almost an hour.


We arrived sa Bayan ng Taal around 8 PM. Sa dami ng tao na namamasyal walang lugar na hindi kasama ang madlang pipol sa picture. Ung iba nga walang pakundangan, dadaan pa sa harap mo kahit obvious naman na nagpapakuha ka ng picture. 


Syempre di mawawala ang Christmas Tree. Di bale ng madaming tao sa background basta happy ang lahat. lol. Behind that tall Christmas tree is the Taal Basilica, the largest church not just here in the Philippines but also in Asia.


Since wala naman kaming kasama to take our photo together nag selfie nalang kami. 

Here are some of the lights attractions:


I wish ganito rin kaliwanag sa street namin pag ber months para paskong pasko feels!

Anyways, madaming food stalls dito pero kumain nalang kami sa Don Juan Boodle House para makapag CR din ako ng maayos. Buti nalang hindi pa sila gaanong crowded pagdating namin.

We ordered the Military Boodlelito na good for two persons. Meron syang chicken pork adobo sa dilaw, lumpiang Shanghai, chicken bbq, inihaw na talong, and fresh fruits. Naumay ako sa dami ng lumpia pero naubos naman namin lahat. lol. 

I admired din mga staff nila for being so accommodating and friendly kahit busy sila.


Madaming nagbebenta ng kakanin kaya bumili kami ng pasalubong para kina Ina at Tita Evie. Ung brown na kalamay ang sarap nyan, kinain ko the following day sa bahay.


Nakabili din kami ni Cy ng mga laruan for our young kapitbahays. Ang mumura nila tapos ang gaganda pa! Kung bata ako hindi ako uuwing walang laruan. Iiyakan ko talaga yan. Wahaha.

Ang lamig ng hangin pabalik sa Tagaytay! I wish nagsuot ako ng scarf sa leeg. 

Yun lang! :)

Comments